Picture
   Abalang-abala ang lahat sa opisina.Si Myra ay abala sa pag-aasikaso ng  kanyang performance report.Habang abla ay nakatanggap siya ng sulat galing sa kanyanng pamilya sa probinsya.Sabi sa sulat may sakit ang kanyang ama at pinapauwi siya sa kanila.Nag-alala siya pero napagdesisyunan niyang hindi muna siya uuwi ngayon pang masaya na siya rito sa Maynila.Nagpapadala naman siya buwan-buwan ng pera kaya kahit malayo siya ay nakatutulong pa rin siya sa kanyang pamilya.Mag-isa lantg siyang nakatira dito.Nangungupahan at bahay-trabaho lang ang inaasikaso.Gusto kasi niya mapatapos ng pag-aaral ang lima niyang kapatid.

        Ilang araw na rin ang lumipas nung nakatanggap siya ng huling sulat galing probinsya.Na-promote siya bilang managert na ng kompanya mula sa pagiging sekretarya.Lalo siyang nakumbinsi na ipagpaliban muna ang uwi sa kanyang pamilya.Malaki-laki na rin naman ang ipon niya kaya napagdesisyunan niyang magpatayo na ng bahay.

         Nagsawa na rin siya sa kanyang buhay rito; Kaya nagpaalam siya sa kanyang amo na uuwi muna siya ng probinsya.Nag-aalala na rin kasi siya dahil hindi na nagpapadala ng sulat ang kanyang kapatid na si Simon.Pagdating niya sa bahay nila, nakabukas ang pintuan pero walang tao sa sala.Sinubukan pa niyang tawagin agn nanay at mga kapatid niya peroc walang sumagot.Pumasok siya sa kwarto at nakita niya ang mama niya na nakatulala at nakatingin sa malayo.Nilapitan niya ito at kinausap pero hindi ito sumamsagot otumitingin man lang sa kanya.Biglang may pumasoksa kwarto at iyong ang kapatig nyang si Simon.Tinanong niya kay Simon ang nangyari at napag-alaman niya na namaty na ang tatay nila.Ang huling sulat na natanggap niya pala ay ginawa ng kanyang ama upang umuwi na siya para makita bago pa man siya mamatay.Nang malaman iyon ni Myra nakaramdam siya ng pagsisisi dahil hindi man lang niya napagbigyan ang kanyang ama.

      Lalong nanlumo si Myra dahil nalaman pa nyang nabaliw ang kanyang ina sa pagkamatay ng kanilang tatay.Ang pera daw na panapadala niya ay hindi nila natatanggap dahil ang kumukuha non aya ang kanilang tiyahin.Kaya ngayon napilitang tumigil sa kanyang pag-aaral ang kanyang mga kapatid para magtrabagho.Dahil sa kanyang nalaman umalis kaagad siya sa kanilang bahay at bumalik dito sa Manila.Inasikaso niya ang kanyang mga ari-arian at nilipat ang pangalan sa kanyang kpatid na si Simon.Nagpadala siya ng sulat sa probinsya at pinapapunta nya rito sa Maynila.

      Matapos nun ay nabalita an lamang sa telebisyon na may nagpakamatay na babae at tumalon sa ilog.

 
 
Picture
       Napakainit ng araw na iyon pero si Cindy parang hindi naiinitan kahit pawis na pawis na siya. Siya kasi ay abala sa pagbabasa ng mga makakapal na libro sa sala.Laging ganun ang ginagawa niya sa buong bakasyon.Sa tuwing matatapos siya magbasab natutulala ito habang nakangiti, ito'y marahil dahil sa nagtapos ng masaya ang kwento.

      Si Cindy ay lumaki sa mabait at mapagmahal na mga magulang.Kaya hindi na nakakapagtataka kung bakit naniniwala siya sa happy ending dahil iyon ang nangyari sa mga magulang niya.Sa paaaralan, mayroo siyang iniibig, iyon ay si Peter.Si Peter ay maporma, singkit ang mga mata, matangkad, maputi at masasabing gwapo.Mabait at palakaibigan rin ito kaya nagustuhan at minahal siya ni Cindy.Pareho silang katamtaman lang ang buhay kaya  wala silang problema sa estado ng kanilang buhay.

          Tumagal rin naman ang kanilang relasyon ng  pitong buwan.Maraming nagsasabi kay Cindy na ang kanyang kasintahan ay niloloko lang siya.Simula noon,lagi na nyang sinusundan  si Peter  saan man ito magpunta.Ginawa niya iyon hindi para patunayan ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan kundi para gumaan na ang kanyang loob at maliwanagan sa totoo.

          Palubog na ang araw nang namataan niya si Peter na pumasok sa isang maliit na iskenita.Alam niyang hindi iyon ang daan papunta sa bahay nila Peter dahil nakapunta na siya doon. Nagtataka siya kaya nagdesisyon siya na sundan ito kahit kinakabahan siya sa kung ano ang matuklasan niya sa loob;nilaasan na lamang niya ang kanyang loob.May lalakeng kausap si  Peter sa loob at narinig niya ang lahat ng pinag-usapan ng mga ito na kahit kailan ay hindi niya inaasahan na marinig.Sunud-sunod  na tumulo ang luha niya at agad siyang tumakbo pauwi sa kanila bago pa man siya makita ni Peter.

          Wala ang mga magulang niya sa bahay nila.Kaya humagulgol lang siya nang humagulgol dahil wala siyang mapaglabsan ng sakit na nararamdaman niya.Hindi niya inaasahan na lolokohin siya ni Peter na labis niyang pinagkatiwalaan.Pumasok siya sa loob ng kwarto ng mga magulang niya dahil ngayon alam na niya na ang buhay niya ay hindi masaya tulad ng mga nangyayari sa fairytale.Nakita niya ang diary ng mama niya sa ibabaw ng study desk.Alam niyang bawal iyon pakialaman pero parang may nag-uudyok sa kanya na pakialaman iyon.BInasa niya ang diary mula sa pahina kung saan dalaga pa lang ang kanyang ina.Nalaman niya na hindi talaga ang papa Floyd niya ang mahal ng mama niya dati,pinagkasundo lang sila.Napagtanto niya sa sarili niya na hindi rin pala happy ending ang nangyari sa mama at papa niya noong ipagkasundo  sila.Nasabi niya sa sarili niya na siguro hindi talaga sila ni peter ang para sa isa't-isa.HIndi man maging perfect happy ending ang buhay niya gaya ng sa mga fairytale at fiction books;sisiguraduhin naman niyang magkakaroon ng beautiful ending ang kwento ng buhat niya tulad na sa kanyang mga magulang.





 

STAR

01/07/2013

0 Comments

 
         "Star.Maganda ito kung titignan sa malayo pero s a malapitang tingin, walang kahit anong espesyal dito".
Nag-audition ako sa drama club kani na at ang mga katagang iyon na binulong sa akin ng isang babaeng naka salamin at naka-jacket ang umangkin sa isip ko.Hidi ko alam pero napakalaki ng epekto nio sa akin.Kinuha ko ang larawan ni Athena, ang idolo kong artista,na nasa maliit na mesa sa tabi ng kama ko.Nasabi ko sa sarili ko na balang araw magiging bituin rin ako tulad niya.

         Makalipas ang sampung taon...
"Ms. Jem, pinapatawag na po kayo ng manager ninyo sa shooting area .Naroon na raw po ang direktor ninyo."
"Ok, susunod na ako."
Paglabas ko ng pintuan may dumaan sa harap ko na pamilyar ang mukha. Sinu8ndan ko ito at hinawakan sa braso,"Bakit ka nandito?Sino ka ba talaga?!"Asik ko dito.Ngumiti ito ng pilit at sinabi "Ang bituin sa una maganda at hahangaan ng lahat pero sa oras na ito'y mawala na parang bula, ito'y kakalimutan."
"Ms.Jem!"
Lumingon ako sa direksyon ng tumawag sa akin.
"Kanina ap po kayo hinihintay."
"Sige, susunod na ako may kakausapin lang."
"Sige po pakibilis po ah."
Tumango lang ako dito at paglingon ko wala na ang babaeng kausap ko.

"Jem! Gising Jem! Jem ano ba ?!Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si mama.Panaginip lang pala ang lahat.
"Halika na, kakain na tayo."
"Opo Ma."
Binhksan ko ang TV ko dito sa kwarto ko. Nakita ko ang babaeng nasa school noong nag- audition ako at ang nasa panaginip ko.Balita ang palabas at ang balita ay tungkol kay Athena, sinasabi na iiwan na niya ang pag-aartist at magpapakalayu- layo na pero wala siyang sinabing dahilan.Pinatay ko ang TV at napaisip ako bigla.Mukhang alam ko na ang dahilan.

Kinabukasan....

Uwian na! At didiretso ako ngayon sa DRAMA CLUB para tingnan ang mga nakapasa sa audition. 20...25...37...42....50, wala ang pangalan ko ibig sabihin hindi ako nakapasa sa audition.Okay lang baka hindi talaga iyon nakatadhana sa akin pero pwede ring hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para maging mas mahusay ako at balang araw ay sisikat rin. Wala akong pakialam kung lumaos at kalimutan ako ng mga tao, ang mahalaga ay naging isa akong bituin na natupad ang pangarap at masaya ako sa kahit 
 
 
 

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All