STAR

01/07/2013

0 Comments

 
         "Star.Maganda ito kung titignan sa malayo pero s a malapitang tingin, walang kahit anong espesyal dito".
Nag-audition ako sa drama club kani na at ang mga katagang iyon na binulong sa akin ng isang babaeng naka salamin at naka-jacket ang umangkin sa isip ko.Hidi ko alam pero napakalaki ng epekto nio sa akin.Kinuha ko ang larawan ni Athena, ang idolo kong artista,na nasa maliit na mesa sa tabi ng kama ko.Nasabi ko sa sarili ko na balang araw magiging bituin rin ako tulad niya.

         Makalipas ang sampung taon...
"Ms. Jem, pinapatawag na po kayo ng manager ninyo sa shooting area .Naroon na raw po ang direktor ninyo."
"Ok, susunod na ako."
Paglabas ko ng pintuan may dumaan sa harap ko na pamilyar ang mukha. Sinu8ndan ko ito at hinawakan sa braso,"Bakit ka nandito?Sino ka ba talaga?!"Asik ko dito.Ngumiti ito ng pilit at sinabi "Ang bituin sa una maganda at hahangaan ng lahat pero sa oras na ito'y mawala na parang bula, ito'y kakalimutan."
"Ms.Jem!"
Lumingon ako sa direksyon ng tumawag sa akin.
"Kanina ap po kayo hinihintay."
"Sige, susunod na ako may kakausapin lang."
"Sige po pakibilis po ah."
Tumango lang ako dito at paglingon ko wala na ang babaeng kausap ko.

"Jem! Gising Jem! Jem ano ba ?!Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si mama.Panaginip lang pala ang lahat.
"Halika na, kakain na tayo."
"Opo Ma."
Binhksan ko ang TV ko dito sa kwarto ko. Nakita ko ang babaeng nasa school noong nag- audition ako at ang nasa panaginip ko.Balita ang palabas at ang balita ay tungkol kay Athena, sinasabi na iiwan na niya ang pag-aartist at magpapakalayu- layo na pero wala siyang sinabing dahilan.Pinatay ko ang TV at napaisip ako bigla.Mukhang alam ko na ang dahilan.

Kinabukasan....

Uwian na! At didiretso ako ngayon sa DRAMA CLUB para tingnan ang mga nakapasa sa audition. 20...25...37...42....50, wala ang pangalan ko ibig sabihin hindi ako nakapasa sa audition.Okay lang baka hindi talaga iyon nakatadhana sa akin pero pwede ring hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para maging mas mahusay ako at balang araw ay sisikat rin. Wala akong pakialam kung lumaos at kalimutan ako ng mga tao, ang mahalaga ay naging isa akong bituin na natupad ang pangarap at masaya ako sa kahit 
 


Comments




Leave a Reply

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All