Picture
       Napakainit ng araw na iyon pero si Cindy parang hindi naiinitan kahit pawis na pawis na siya. Siya kasi ay abala sa pagbabasa ng mga makakapal na libro sa sala.Laging ganun ang ginagawa niya sa buong bakasyon.Sa tuwing matatapos siya magbasab natutulala ito habang nakangiti, ito'y marahil dahil sa nagtapos ng masaya ang kwento.

      Si Cindy ay lumaki sa mabait at mapagmahal na mga magulang.Kaya hindi na nakakapagtataka kung bakit naniniwala siya sa happy ending dahil iyon ang nangyari sa mga magulang niya.Sa paaaralan, mayroo siyang iniibig, iyon ay si Peter.Si Peter ay maporma, singkit ang mga mata, matangkad, maputi at masasabing gwapo.Mabait at palakaibigan rin ito kaya nagustuhan at minahal siya ni Cindy.Pareho silang katamtaman lang ang buhay kaya  wala silang problema sa estado ng kanilang buhay.

          Tumagal rin naman ang kanilang relasyon ng  pitong buwan.Maraming nagsasabi kay Cindy na ang kanyang kasintahan ay niloloko lang siya.Simula noon,lagi na nyang sinusundan  si Peter  saan man ito magpunta.Ginawa niya iyon hindi para patunayan ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan kundi para gumaan na ang kanyang loob at maliwanagan sa totoo.

          Palubog na ang araw nang namataan niya si Peter na pumasok sa isang maliit na iskenita.Alam niyang hindi iyon ang daan papunta sa bahay nila Peter dahil nakapunta na siya doon. Nagtataka siya kaya nagdesisyon siya na sundan ito kahit kinakabahan siya sa kung ano ang matuklasan niya sa loob;nilaasan na lamang niya ang kanyang loob.May lalakeng kausap si  Peter sa loob at narinig niya ang lahat ng pinag-usapan ng mga ito na kahit kailan ay hindi niya inaasahan na marinig.Sunud-sunod  na tumulo ang luha niya at agad siyang tumakbo pauwi sa kanila bago pa man siya makita ni Peter.

          Wala ang mga magulang niya sa bahay nila.Kaya humagulgol lang siya nang humagulgol dahil wala siyang mapaglabsan ng sakit na nararamdaman niya.Hindi niya inaasahan na lolokohin siya ni Peter na labis niyang pinagkatiwalaan.Pumasok siya sa loob ng kwarto ng mga magulang niya dahil ngayon alam na niya na ang buhay niya ay hindi masaya tulad ng mga nangyayari sa fairytale.Nakita niya ang diary ng mama niya sa ibabaw ng study desk.Alam niyang bawal iyon pakialaman pero parang may nag-uudyok sa kanya na pakialaman iyon.BInasa niya ang diary mula sa pahina kung saan dalaga pa lang ang kanyang ina.Nalaman niya na hindi talaga ang papa Floyd niya ang mahal ng mama niya dati,pinagkasundo lang sila.Napagtanto niya sa sarili niya na hindi rin pala happy ending ang nangyari sa mama at papa niya noong ipagkasundo  sila.Nasabi niya sa sarili niya na siguro hindi talaga sila ni peter ang para sa isa't-isa.HIndi man maging perfect happy ending ang buhay niya gaya ng sa mga fairytale at fiction books;sisiguraduhin naman niyang magkakaroon ng beautiful ending ang kwento ng buhat niya tulad na sa kanyang mga magulang.





 


Comments




Leave a Reply

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All